Pagpapalakas sa mga Kabataan Tungo sa Isang Matatag na Kinabukasan
1:20 AM
Nais kong ibahagi ang isa sa mga piyesang aking ginawa at ibinigkas noong ako'y nasa high school palamang, na tumutuon ukol sa mga kabataan. Ito ay isang mensahe hindi lamang para sa mga kabataan kundi ito'y mensahe para sa lahat ng tao na bumubuo sa paghubog ng katauhan ng bawat kabataan.
Mga kabataan, tayo raw ang
pag-asa ng bayan ayon sa dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal. Paano magiging pag-asa ng bayan
ang maraming kabataang halos araw-araw ay nababasa sa pahayagn, napapanuod sa
TV at naririnig sa mga balita sa radyo na nasasangkot sa iba’t ibang uri ng
paglabag sa batas? Paano magiging pag-asa ng bayan ang mga ganitong kabataan na
halos ay maituturing na “salot” ng lipunan?
Mahal naming mga magulang, mga
guro, mga taong simbahan, mga taong pamahalaan, mga taong lipunan – lahat kayong
mga responsableng mamamayan, tulungan po ninyo kaming mga kabataan. Lumalaapit
po kami sa inyo, handing making, hanadang gumawa ng kaukulang pagbabago, handing
mahalin at magmahal, handing gawin ang lahat tungo sa pagbabago at kaunlaran n
gaming mga sarili at ng bayan. Palakasin po ninyo kaming mga kabataan tungo sa
matatag na kinabukasan.
Palakasin po ninyo kami sa inyong
pagmamahal.Hayaan niyong madama namin na mahal ninyo kami kaya kailanagan
niyong disiplinahin. Ipaunawa po ninyo sa amin na ang tamang disiplina ay
kailangan sa ikaaunlad naming at ng bayan. Bahaginan po ninyo kami ng inyong
mahahalagang oras. Isama po ninyo kami sa paglilibang, pagsasaya at pamamasyal.
Pakinggan po ninyo kami at damayan sa panahong kailangan naming kayo.
Patnubayan po ninyo kami sa aming pag-aaral. Bususgin po ninyo kami sa mga
panagaral. Pakitaan po ninyo kami ng magagandang asal na maari naming tularan.
Ang inyong pagmamahal ay isang mahalagang paraan ng pagpapalakas sa aming mga
kabataan.
Kailangan din naming ng wastong
kalusugan, di lamang pampisikal kundi kalusugang sosyal, emosyonal, at
ispiritual. Tulungan po ninyo kaming lumago at tumatag sa pananampalataya.
Hayaan po ninyo kaming makisalamuha sa mga mabubuting tao at kaibigan. Bigyan
po ninyo kami ng karanasang hahasa saamin sa mabuting pakikitungo sa kapwa,
mapapaunlad sa talentong meron kami at mga gawaing magdudulot sa amin ng
kasiyahan at kapanatagan ng isip at damdamin.
Mga kapwa kong kabataan,
naririyan sila. Marami. Handa sa pagpapalakas sa ating tungo sa isang matatag
na kinabukasan. Kilos na kabataan, oras at panahon na natin ito. Kumilos tayo
ng tama. Maging masunurin tayo sa ating mga magulang, mga guro at sa batas.
Magtapos tayo ng pag-aaral. Itakwil natin ang droga, alak, sigarilyo, sugal,
masasamang barkada, at lahat ng masasamang bisyo na sisira sa ating mga
kabataan at sa ating bayan. Patunayan nating tayo nga ang pag-asa ng bayan.
Panindigan natin sa tulong at pagpapalakas sa ating mga kabataan tiyakin natin
na sama-sama tayong tutungo sa isang matatag na kinabukasan.
Ito ay aking isinigawa
at ibinigkas noong selebrasyon ng aming paaralan para sa Buwan ng Wika.
Sa susunod kong post, ipapapakita ko naman ang aking talumpati ukol
naman sa Wika. Itong mga talumpating ito ay hindi ko malilimutan sapagka't ang mga mensaheng aking ipinaparating ay importante hindi lamang saakin kundi sa bawat mamayan ng Pilipinas.
0 comments