Wika
2:06 AM
Katulad ng aking sinabi sa mas
nauna kong post, ito ay ang aking talumpati na umuukol naman sa ating wika.
Wika na nagsisilbing sandata. Sandata laban sa kasamaan , at paraan tungo sa
maliwanag na kinabukasan.
(Source: Google Images)
Maraming nagsasabi na ang wika ay
isang madali at payak na halimbawa upang mapagkilanlan ang isang bansa. Ito ang
nagsisilbing sagisag natin sa buong mundo at marahil, ito rin ang magiging instrument
sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas. Filipino – ang ating wikang pambansa. Ito
ang pangunahing sangkap sa komunikasyong Pilipino. Bata matanda, may puntong Kapampangan
o Ilonggo, saan ka mang bayan nagmula, basta Pilipino, marunong! Para sa ibang
bansa, marahil ito ay tunog banyaga at kung minsan pa nga ay di talaga
maiwasang mapagtawanan. Kabi-kabilang kutya ang iyong maririnig ngunit ang mga
Pilipino’y marunong magbingi-binigihan sa mga kutyang ito. Ang wikang Filipino
para sa ating lahat ay naturingang pinakamaganda. Karangal-rangal kung
pakinggan, napakapayak ngunit malalim, ‘yan ang Wikang Filipino. Ngunit para sa
atin, ano ba talaga ang papel at silbi ng ating wika, hindi lamang sa
pansariling pagkokomunika, ngunit pati na rin sa ating buhay at pang higit na
katuturan ang wikang biyaya ng Diyos Ama.
Tunay na kabilib-bili an gating wika.
Kung tutuusin, ito pa nga ang nagpalaya sa buong Pilipinas. Sa paanong paraan
ito nangyari? Ang pambansang bayani ng Pilipinas, ang nag-iisang Jose Rizal.
Siya’y biniyayaan ng kagila-gilalas na talino. Ngunit, paano niya naman
napalaya ang Pilipinas sa tulong ng wika? Ginamit niya ang larangan kung saan
siya’y mahusay. Ang pagsusulat. Ang kaniyang mga nobelang naisulat ay
sumasailalim sa marahas na karanasang natamasa ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila. Ang mga ito ay napalimbag at di kinalaunan ay umabot rin ang mga ito
sa Pilipinas. Tila ba’y mayroong gayuma ang mga naisulat ni Rizal at ang mga
ito’y naging isang panggising sa mga nagsisitulugang mga Pilipino sa ilalim ng
malupit na sumpa ng mga Kastila. Ito ang dahilan ng puspusang paghihimagsik ng
mga Pilipino upang makamit ang kalayaan. Nakita niyo? Ganyan kalakas ang wika
natin! Mahika kung sa biglang-tingin, ngunit kung susuriin, ito ang nagtuwid ng
daan sa Pilipinas patungo sa kalayaan. Ang kalaliman naman nito ang nagbigay ng
lakas at motibo sa atin upang ipaglaban an gating karapatan.
Napakamakapangyarihan ng wika. Hindi man ito nakasugat sa pisikal na katawan
katulad ng tabak, isang sugat na hindi agad-agad maghihilom ang naukit naman
nito sa puso’t isipan hindi lang sa mga pagiging malaya. Ang Wikang Filipino ay
haligi ng ating pambansang kalayaan.
Wikang Filipino, gaya ng aking
sinabi kanina, ito’y natiringang pinakamaganda. Nagtutunog banyaga ngunit sa
atin ay normal na sa pang araw-araw. Ito’y payak, ngunit malalim. Ito’y
sumasalamin sa nagbibigkas ng wika. Isang mensahe lamang ang nais kong iwan.
Ang wika ay parang espada. Magagamit mo ito bilang panlaban sa kasamaan para sa
kabutihan, subalit, ito ay maari ding mag-udyok sa mas mapoot na kasamaan.
Gamitin natin ng tama ang Wikang Filipino. Ito’y pata sa pinakamaliwanag na
kinabukasan, ngunit, kung mali ang paggamit nito, ito’y tutungo sa
pinakamadilim na kinabukasang maaring dumating sa iyo.
0 comments